Forgive me

Mahirap talagang gamutin ang depression. Patapos na ang 2011 pero bakit di ko parin maiwan ang mga sakit at malulungkot na bagay na nangyari? Bakit ang hirap mag move on? Oo tumatawa ako. Nagjojoke ako pero hindi talaga ibig sabihin nun ay magaling na ang isip at damdamin ko. I’m really feeling depressed most of the time. Natatanga ako.

I’m listening to good music. Most of the times, yung mga party music na nga yung pinakikinggan ko para vibrant lagi ang feeling pero madalas nangyayari na pre-occupied ako ng empty thoughts at malulungkot ako. Para rin pakiramdam ko minsan, wala akong motivation, nawalan ako ng spirit, ng will, ng objective sa life. Hindi ko alam kung bakit. Bunga ba ito, dahil lahat ng mga pinangarap ko sa nakalipas na maraming taon ay hindi ko na makitang matutupad ko, dahil sa maraming failure ko sa buhay ngayong taon na hindi ko alam kung sino ang sisisihin. 

Hindi ko talaga alam. Gusto ko ng umalis pero hindi ako makawala.