2012
Finally aalis na ko sa 2011. Ang year na ayoko ng balikan. Lahat ng mga nagpapaalala ng hindi maganda sakin from 2011 ay tinapon ko na, binura ko na at ayoko na makita, lalo na yung mga notes ko sa accounting.
Marami akong wish sa 2012. Sana maging maganda na at masaya na simula sa parating na taon.

Sana makagraduate na ako with honors. Makahanap ng very satisfying na trabaho at magkaroon ng madaming pera at kayamanan. Pumunta sa iba’t ibang lugar, lalo na sa mga dream places ko. At higit sa lahat makita si *toot* ng face to face, personal with talk and greetings! HA HA HA!
Di yun joke!
Pero pinakamahalaga para sa akin, sana ito yung year na matagpuan ko na talaga ang tunay na magpapasaya sa akin.
Happy New Year sa inyong lahat!
